nung una kang nakita
(ito ay ang tulang nung una kang nakita parte ng aking tala-arawan 2005 - ang taong tinutukoy dito ay si mama bernie ko na patuloy na kumikilos para wakasan ang pang-aabuso sa mga bakla at lesbyana, at sa buong sambayanan nadin isang di matatawarang kasama sa pakikibaka.)
nung una kang nakita
kung naaalala mo pa
sulasod mo ang katawang pata
sa pagpupursiging mag-mulat ng masa
nung una kang nakita
kung naaalala mo pa
bitbit mo ang mga polyeto
may ngiti pang kasama
nung una kang nakita
kung naaalala mo pa
isang bangaw akong nakadungaw sa bintana
minamasdan ka sa iyong ginagawa
nung una kang nakita
kung naaalala mo pa
sinubok mo pang ako'y alukin
sa KABARO ay pasasalihin
nung una kang nakita
kung naaalala mo pa
tinanggihan kita
ang inalok nama'y GABRIELA
nung una kang nakita
kung naaalala mo pa
hindi ako sumali sa pagkakatakot
na ako'y mahuli sa aming bahay
nung una kang nakita
kung naaalala mo pa
umalis akong sayo'y humahanga
sa paglilingkod na iyong ginagawa
para sa masang hindi ko alam kung iyong kilala
o kung kinikilala ka…
ngayon matagal na tayong mag-kakilala
hindi na kagaya nung tayo'y unang nagkita
maraming kwento na ang naibahagi sa isa't isa
mga kwento ng pakikibaka
maraming pagkilos na ang sinuong kasama
maraming isyu na ang sinagot
aakalain bang sa bandang huli
sa pakikibaka tayo'y magkakasama.
si Lea sa akin….
isang matapang na nilalang
mapagpursigi
puno ng pag - asa
puno ng masasayang ala - ala
malapit sa aking puso
pagkat sya ang tunay na nagmamahal…
walang pag - ibig na tulad ng kay lea…
lumisan man at sa malayo'y tumungo
doon sa larangang alam kong pareho naming ipagtatagumpay
laging baon ang aking pag - mamahal
laging bitbit ang aking diwa
ang ate lea ko matapang
laging lumalaban
madalas pa nga nyang biro si gabriela noon itak ang hawak para ipaglaban ang inang bayan
ang gabriela ngayon B**** ang hawak nakikiisa sa malawak na masang inaapi….
alam ko matagal ngunit ang ilog ay patuloy na aagos
laging may daang nagkukurus
at maaaring minsan si lea at ako'y magkasalubong
at muli kong mararamdaman ang dating malambot nyang mga kamay na maaaring puno na ng kalyo ngayon ngunit nakapag - aalis parin ng pangamba…
siguro'y sa susunod na pagtatagpo may pamangkin na akong kakanlungin
nasasabik na ako kay lea
nakakatawa hinahanap ko parin sya sa mga kasama
"Utang namin sa mga Manggagawa ang aming Edukasyon"
pinapagal mo ang pata mo nang gulugod, ang nananakit mo ng kasu - kasuan, ang nagsusugat mo ng mga kamay, habang patuloy mong binubusog ng iyong dugo ang aming isipan.
kinikitil ka ng patuloy na pagsasamantala, ng sweldong di manlang makasapat sa sikmura. pinaparusahan ka ng sobrang oras sa pag - gawa na parang utang mo pa sa kanila at kung ika'y lumaban ika'y patatahimikin ng hagupit ni kamatayan. ngunit sa gitna nitong dilubyong handog ng mga mapagsamantala matapang ka paring humaharap at tumutugon sa sama - samang pakikibaka upang itaguyod ang maka - uring pag - papalaya.
pilit man sa ami'y isumbat ng pasistang gobyerno ang tinatamasa naming edukasyon…. kami'y hindi sa kanila ay tatalima. pagkat alam naming kayo ang aming mga ina't ama ng lipunan ang patuloy na nagtataguyod sa aming edukasyon. ang bawat sentimo mula sa inyong pawis ang nagugugol sa aming pag - aaral at pati narin sa bulsa ng mga nag - aangkin ng kabutihang loob at nagsusumbat na kami ay subersibo at rebelde.
nakikita lang naman namin na ang aming ama't inang nagkakanlong sa amin ay patuloy na pinagsasamantalahan at niloloko ng mga sinungaling at ang aming paglaban kasama nila ay hindi pag - rerebelde, tinutugunan lang namin ang tawag sa amin hindi man bilang pagtanaw ng utang na loob kundi ang pagsusulong ng mas magandang kinabukasan hindi lang sa amin na balang araw ay magiging manggagawa rin kundi sa susunod pang kagaya namin —- mga mabubuting anak ng bayan. hindi nga ba't kami ang pag - asa ng bayan, at ito ay ang aming tungkulin.
sa mga manggagawa, at sa lahat ng uring pinagsasamantalahan at lumalaban ngayon ay itinataas ko ang aking kamao at sa inyo'y nag - hahandog ng pinakamataas na pagpupugay…
balang araw mapagwawagian natin ang malayang lipunan……