naglalaro ang aking isip, marahil narin sa kakaisip kay donna, preoccupied nga ako. lumapit ang nakababatang pinsan ko at sinabing gina jolibi, low gina, tsup gina, dami gawa gina… bulol pa kasi natuwa naman ako pero halos di ko napansin… hayyy inlove
hinihintay ko parin ang araw na tayo’y muling magkikita
nasasabik parin ako sa baon mong mga kwento
at kung tayo’y muling magkakasama
maibahagi ko rin sa’yo ang aking pag-unlad bilang kasama
sa totoo lang ate namimiss na talaga kita…
pati na ang iyong mga payo
na mula sa karanasan sa piling ng masang pinaglilingkuran
minsan hindi dahil maganda ang isang tao ang dahilan ng pagmamahal mo sa kanya… kundi dahil sa kung ano pa sya kung saan sya nagmula at kung gano sya kakorny mag joke mahal mo parin sya
"ang lahat ng bagay ay magkaugnay. ang simpleng sirang upuan sa eskwela ay manipestsyon ng mas malalang krisis pang-lipunan paano ako hindi makikielam kung ang sambayanang hindi mo maihihiwlay sa ating sarili ay naghihirap? kung ang pasismo ni gloria tagos hanggang sa eskwela?"
tayo ay hindi lamang istudyante, bahagi rin tayo ng lipunan!!!
ang sagot ko sa mensaheng nagsasabi ng mga sumusunod mula sa email…
"MANGARAP KA AT ABUTIN MO, WAG MO SISIHIN ANG SIRA MONG UPUAN.PALPAK NA MONG PROF. PILAY NA GOBYERNO O MGA LUMILIPAD NA IPIS.KUNG MAY PAGKUKULANG SAYO. KUMILOS KA!HANGGAT MAAGA,
KAAGABAY MO ANG KILOS PARTY!
-aral muna bago ang iba
-pup hindi mendiola
-problema pang-loob di pang-labas
-kumilos hindi pag-iingay
-stop complaining,do something
***DO SOMETHING FOR CHANGE***
VOTE STRAIGHT FOR KILOS!!!
aral muna bago ang iba… ate wag naman po tayong makasarili.. pano po namin maaasahan ang inyong pag-agapay kung ang mga problema ng lipunan na direktang nakakaapekto sa ating pag-aaral ay babalewalain natin… sana po maintindihan natin na ang pup ay isang komunidad at hindi lamang po mga istudyante ang dapat paglingkuran ng konseho ng mag-aaral…at huwag po sana nating kakalimutan sabi narin ng ating dakilang lumikha na ang lahat ng mga bagay ay magka-ugnay. hindi mo pwedeng ihiwalay ang isyu ng lipunan sa iyong sarili mismo dahil parte ka ng lipunan…at gayon din naman ako… sabi rin sa isang kanta iskolar ng bayan huwag ninyong hayaang ang inyong pag-aaral ay maging sagabal sa inyong edukasyon.iskolar tayo ng bayan huwag sana nating kalilimutan na ang masang anakpawis ang nagpapa-aral sa atin hindi natin sila pwedeng isang tabi… sa usapin ng mendiola ang pagdala namin ng isyu sa mga lansangan ay napatunayang epektibo wag sana ninyong kalilimutan na ang sama samang tunay na pag-KILOS, TUNAY HA, ng mga nauna ng mga iskolar ng bayan ang dahilan kung bakit may PUP ngayon dahil hindi sila nag-aral lang sa classroom tumugon rin sila sa mga isyu ng lipunan at tumungo rin sila sa mendiola at sa kahit saang lugar upang igiit ang kanilang demokratikong karapatan… hindi sila nanahimik kaya ma PUP ngayon. ganon din naman kami.. at sa ayaw nyo at sa gusto kasama kayo sa aming pinaglalaban sa loob man o sa labas ng paaralan