pako, pako, alam ko kung saan ka nakatago
naka-usli pa ang iyong ulo…
buti pa ang pako makikita pa ang ulo
pero pano na si charlie, si jonas, si karen, si she, at ang madami pang kagaya nila?
nawawala di pa nakikita?
makikita pa nga ba ang itinatago? makikita pa nga ba ang ibinabaon? makikita pa nga ba ang mga itinapon, sa ilog, sa dagat, at sa kung saan?
saan?
sa silid aralan,
sa pasilyo ng paaralan,
sa isang munting silid tanggapan,
sa isang bangko na parehong kinauupuan,
sa wang wang,
sa sdc building,
sa sixth floor,
sa popeye,
sa lansangan,
sa mendiola,
sa cs,
sa masa
wala masaya lang ako na sa hindi karaniwang araw nakita ko sya…
kumain sa bahay
pinaghugas ng pinggan namin
yun lang
kanina pag-punta ko sa peyupps tinignan ko ang pangalan ko sa listahan ng mga gagradweyt nakasulat na dun ang pangalan ko…. yun lang
hindi ko alam kung anung klaseng tuwa ang naramdaman ko kanina…ang tanging ipinagtataka ko ay kung bakit ko tinakasan ang mga sandaling alam kong akoy masaya… mahal ko talaga si dona… pero bakit hindi ko masabi sa kanya????
halos hindi ko na napansin ang buong mundo ng makita ko sya
wala lang gusto ko lang sabihin