"THE LEFT DID NOT CREATE THE TROUBLES OF THE WORLD, THE TROUBLES OF THE WORLD CREATES THE LEFT!"

"COGITO ERGO SUUM"

"I THINK THEREFORE I AM"

Home » Archives » June 2008

naaalala kita

Wednesday, June 25, 2008

(isang tula para kay DP)

 

kapag namamatay na ang mga ilaw

kapag nananahimik na ang aking daigdig

kapag unti - unti nang nauubos

ang mga nakasinding ilaw sa paligid

naaalala kita…

 

-sa madalas na pagsabi mong ikaw ay isang babae sa dilim nagkukubli… naiisip ko rin ang mga araw na nagtatapos na sa dilim ng gabi… ng paubos ng kandila… noon lang natatapos ang araw mo… ang araw mo na ginugugol sa pagsisilbi sa sambayanan)

Posted by dalawangmandirigma at 10:32 pm | permalink | Add comment

isang wish

sana may kahit konti syang pagmamahal sa akin…

 

kahit konti lang

 

pero kung wala o.k. lang

mamahalin ko nalang sya

mahal ko talaga eh…

Posted by dalawangmandirigma at 10:09 pm | permalink | Add comment

Nag-hihingalo

Blogs ni PalAngGa sa www.dalawangmandirigma.i.ph

 

Humihinga ka pa, tumitibok pa ang iyong puso -

Buhay ka pa, pero wala kang kabuhayan

kumakalam ang sikmura 

Papawiin rin ng gutom ang iyong buhay…

 

Kumakayod ka maghapon pero hindi ito ang iyong kabuhayan,

ito ay kabuhayan ng iba -

ng ibang maghapong nakahiga sa yamang iyong iniluwal.

 

Hihimlay ka, pero hindi ka pa patay

Babangon pang muli ang pata mo ng katawan

Para ulitin ang nagdaang pagpapagal

at uulitin mong muli

paulit - ulit at uulitin pa…

 

hanggang wala ka ng buhay

 

o ngayo’y lalaban, maghihimagsik at lalaya?

 

 

 

 

workers of the world unite! we have nothing to loose but our chains   - Karl Marx

Posted by dalawangmandirigma at 9:41 pm | permalink | comments[3]

Trapo

Saturday, June 7, 2008

Ako’y tutula mahabang - mahaba

sa dami ng sinabi, wala namang nagawa

nangako ng ginhawa, nilublob ka sa dusa…

Nakinabang na sa kapangyarihan

ikaw pa ay ninakawan…

 

TRAPO (Traditional Politician)

Posted by dalawangmandirigma at 12:23 pm | permalink | comments[1]

ang shout out ko sa friendster 4

Sunday, June 1, 2008

♀the most common way people give up their power is by thinking they don’t have any  -alice walker♀   ♀DP♀

 

 

text ito sa akin ng isang kaibigan… totoong totoo ito sa maraming nakakausap ko, sinasabi nilang sila ay mahina at walang magagawa… pero ganun din naman ang tingting kung mag-isa hindi makapag-aalis ng dumi ng basura… pero kung sama-sama itataboy nito kahit kumpol kumpol pa… ang bawat isa sa atin may kapangyarihan, tangan natin ang pagbababago ng lipunan at kung iisipin nating ang lahat ng ito’y wala lang… magtitiis nalang ba tayo sa karimlan??? at hahayaan nalang ba nating ang ating mga anak ay dumanas ng higit pang dusa??? higit kaysa dinaranas natin sa ngayon???

 

Posted by dalawangmandirigma at 1:25 pm | permalink | Add comment