Sa birtwal mong buhay
Na natuon sa gadyet na uso
Sa bagong modelo ng cellphone
At sa nag-pupumilit makasabay na di gaanong uso
Pero kaya mong bilhin
Isang post modern na cellphone
Sa mga computer shop kinse hanggang bente
Sa prendster, sa yahu, sa gugle, at multiply
Counterstrike o Dota at madami pang iba.
Sa Goodboy, sa family computer,
Sa brickgame, sa gameboy
Sa PS1 sa PS2 sa PS3 and so on
Sa PSP sa xBOX at madami pang iba
Sa malamig na mall madaming fast food
Na masarap kainan
Establishementong titignan – tignan
Pero di mo naman kayang bilhan kahit kapirasong damit
Dahil ang signatured mong t-shirt at pants
Ay galing sa wagwagan
Sa masarap na beer at yosi
Sa kapeng sosyal at may gatas
Sa chichirya sa delata kahit ito’y sardinas pa
Sa sopdrinks, mga healthy drinks daw
Mga tea at isotonic water
Masaya ka…
May pag asa pa kayang mapansin mo
Ang babaeng dati rati’y nag sasalita sa rally
Na ngayo’y nawawala na
Ang kuyang aktibista na binaril ng walang awa
Ang mga magulang nilang naghahanap parin ng kanilang mga labi
Kung meron pang naiwan, kung meron pang itinira
Sa marami, napaka – rami pang iba
Na sinunog, itinapon sa estero, sa ilog, sa dagat, ibinaon sa lupa
At buhay na aparatong araw araw nilang pinagpapasasaan.
Mapapansin mo pa kaya kung ikaw ay masaya
Kung kahit ang sarili mong sakit ang sarili mong dusa
Hindi mo na napapansin
Hindi mo na nararamdaman
Manhid ka na
Kelan ka ba makakaramda
Kapag ba bangkay ka na
At bulate nalang ang makikinabang
sa iyong katawan
(May chewables na…
Aplikable kaya ito sa mapalaya capsules?
Palagay ko hindi…)
Kapag may sakit ka daw
Dapat gamutin ang sakit
Pero bakit ang sakit ng lipunan
Ang lagnat lang ang ginagamot?
Imbes na rebolusyon
Reporma lang…
Imbes na pagbabagong hubog
Co - existence lang…
Kuntento ka na ba rito?
July 15, 2008
Isang araw ulit
Di naman nagbabago ang mga kaganapan
Di rin naman ako nagbabago
Alipin parin
Alipin ng pang ekonomiyang katayuan…
Bakit ba kasi malaki ang ekspektasyon sa kagaya ko?
SINO?
Siya
Sila
Ako
Ikaw
Tayong lahat
SAAN?
Mula sa masa
Sa bahay
Sa eskwela
Sa klasroom
Sa koridor ng portplor
Sa N417
Sa Dome
Sa South Wing
Sa North Wing cubicle
Sa MC
Sa may hagdanan
Sa canteen
Yung karinderya ni nanang
Sa tambayan
Sa SDC
Sa wangwang
Sa tatsulok
Sa hotdog
Sa popye
Sa Teresa
Sa riles
Sa beata (dun sa Pandacan)
Sa Ched
Sa Lagusan
Sa Plaza Miranda
Sa Recto
Sa Morayta
Sa Legarda
Sa Mendiola
Sa Unyon
Sa CS
Sa Masa
KAILAN?
Ngayon
Ngayon na
Tatalikod ka pa ba
Kung alam mong ito ang tama?
Ang lumaban ang magtagumpay
Hindi sa pang - sariling kagalingan
Kundi sa pag – unlad
Hindi lang ng iyong sarili
Kundi nating lahat
Kasama ng mga masang ating pinaglilingkuran.
(Ang mga kasabihang ito
Ay hindi siryoso
Depende nalang sa pananaw mo
Depende nalang sa nalalaman mo.)
Ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw
Ang magnanakaw ipinakulong ang kapwa magnanakaw (nung galit sila)
Pero ngayon bati na kaya pinalaya.
Pero dahil daw sa awa…
(
Dahil ang sinungaling kapatid ng mag nanakaw (totoong kasabihan)
At ang sinungaling ay magnanakaw din
Na may pamilyang magnanakaw din
Ang magnanakaw ay gahaman
Pero mapagbigay din
Marunong magshare ng ninakaw (maki-agahan ka sa kanila)
At ang magnanakaw may sindikato
At ang henerasyon ng mga sidikato
Nakatira sa mansyon ng mga sindikato…
Di narereyd dahil sila ang nang rereyd
Boys
Kahit gano ka pa kaganda o nag-mamaganda di kita bibigyan nito
Pero kung ikaw si Donna kahit buong buhay ko ibibagay ko…
Kung ikaw si Gloria malamang palamanan ko ng
chocolate flavored krispy grenade
with gun powder and special TNT ang sandwich mo…
Kung ikaw si Doc Gibana (PUP President) just the same
Dahil si Gloria at Guevarra walang pinag iba
Parehong Tuta! Diktador! Pasista!
Toke
Ito ang beat sabay - sabay
Ito ang beat bawal sablay
Utos ng kanong amo
Sunod kagad ang aso
IMF - World Bank
Kanyang instrumento
Liberalization
Globalization
De-regularization
Militarization
Corruption
Illegal transaction
Bagong tax
At samut saring
Pasakit
Sino ang papasan?
Sino ang magdudusa?
Sa palagay mo,
Sino kaya?
Ako, Ikaw lahat tayo ay taya
Ang mga nasa palasyo lang ang nagpapasasa
System Lost
Lahat may System lost
Kapag Bumili ng yelo sa tindahan
Pag uwi mo sa bahay
May tunaw na
Pero pano ang produktong di naman natutunaw
At kitang kita naman nating ninanakaw
Sa kapabayaang di naman tayo ang may sala
Bakit tayo ang nagpapasan, bakit tayo ang kawawa.
Tiis-yu
Sa bukid walang papel uy
Ikiskis mo sa pilapil uy
Bata sa bukid di nakapag – aral
Di dahil sa bukid ay walang papel
Kundi dahil maraming pumapapel
Sa pekeng repormang agraryo (CARP)
Na isinusulong ng gubyerno
Ang tatay ng bata
Magsasaka ngunit walang lupa
Nag-aararo pero walang araro
Nagtratrabaho pero walang kinikita
Pag nag-reklamo bubusalan ng bala
walang keso sa ref…
kulang daw ako sa calcium
di naman ako naabala
liban sa pag iisip
na baka maging kahinaan ko ito sa pagrereb
kaya naisipan kong magbitamina…
MASAKIT NA ANG ULO KO
MALAMANG DAHIL SA USOK NA NALANGHAP KO KANINA
MULA SA MALA TAMBUTSONG BIBIG NGA MAMA SA TABI KO
USOK NA NANUNUOT PRODUKTO NG IMPERYALISMO…
SOSI DAW KASING MAGYOSI…
EWAN KO PERO SA AKING TINGIN PARA ITONG LASON SA PINAKAMAGANDANG PAKETE
masarap kumain kapag happy ka, parang idinuduyan ng inaamoy amoy na french fries, ng langhap sarap na hamburger, ng pinaka krispylicious juicylicious na chicken joy…
ng totoong tunggalian, ang tunggalian ng mga parang kabuteng mga fast food chains na nagsulputan sa bawat kanto ng lansangan ng maynila…
pano mo pa nga naman maiisip na may dinukot, tinortyur, pinatay nanamang aktibista na lumalaban para sa nasyunalisasyon ng industriya, tunay na reporma sa lupa, karapatang pantao at marami pang iba…