ngayon ko lang nakita ang video na ito dahil sobrang busy nuong mga nakaraang araw ngunit gayun pa man nais kong ibigay ang aking komento…
lugar ng kaganapan: teresa basket ball court
Nagsasagawa (daw) ng Education and Awareness program ang CMO Battalion sa mga barangay officials at residente ng barangay 592, Sta Mesa, Manila noong September 13, 2008 Ngunit ito (daw) ay ginulo ng mahigit 40 militanteng grupo ng estudyante ng PUP na pinangungunahan nina John Michael Panganiban (Anakbayan) at Alain Mark Zamora (LFS) Sinikap daw ni Cpt. Chico na magkaroon (daw) ng dayalogo sa pagitan ng mga militanteng grupo at CMO Batallion, ngunit tumanggi (daw) ang mga ito.
Sa mga magulang at mag-aaral ng PUP, This simple rally is part of the recruitment process of the NPA. Beware of the persons in this video.
ako ay nandoon nuong nasabing kaganapan sa isang tindahan sa tabi ng nasabing court at nanonood sa mga kaganapan habang kumakain ng paboritong balot na orange…
*masasabing ang mismong presensya ng mga militar sa nasabing lugar ay illegal dahil iyon ay ipinagbabawal ng isang kasunduan na bawal ang militar sa loob ng 50 meters span mula sa isang
university.
*************************************************************
*mas mapagkakatiwalaan ko pa ang pinaka halang ang bituka sa kalye kaysa sa militar
1.) hindi pa ako nakararanas ng pambabastos sa mga kilalang lugar tulad ng tondo, baseco, quiapo, geronimo at kung saan saan pa… ngunit ng dumating ang mga militar malapit sa aming campus ay nangyari ang mga sumusunod
a. pagkuha ng mga larawan ng walang paalam habang ako at ang aking mga classmates ay kumakain ng fishball along teresa street.
b. pag paswit at may kasama pang threat na kapag sumama kami sa grupong nagrarally ay sila daw ang makakalaban namin.
c. pagsabi ng hinihintay na kayo ng mga kasama nyo maykasamang ngising aso sa pormang pananakot at pagbabanta, at picture taking without permission… habang naglalakad kami sa daang bakal papunta sa bahay ng isang classmate upang gumawa ng feasibility study at business report.
~ang nasabing mga military elements ay matatawag kong mga duwag sa aking palagay pagkat kahit na naka - uniporme sila at nasa post ng kanilang duty ng pagbabantay (pangangalap narin ng impormasyon sa susunod na dudukutin at papatayin) ng nagaganap na rally sa isang dulo daw ng riles ay ni hindi man lang nila nakuhang magsuot ngbar pin na nagsasaad ng kanilang mga pangalan o pagkakakilanlan na nangangahulugan lamang sa simpleng isip na sila ay nagbabalak ng hindi maganda o hindi mabuti sa mga taong nagdaraan higit sa mga kasali sa nasabing rally..
2.) Sa aming probinsya sa Central Luzon ng mauso ang pagpapakuha ng Cedula another form ng (mapagkakakitaan)pagkakakilanlan daw
kapag may check point hinahanapan kami ng cedula kapag walang maipakita kahit na may lisensya (higit na katanggap tanggap na pagkakakilanlan ay hindi sa kanila…) nakaranas ng paninikmura, pangmumura at kung anu - ano pa…
3.) Ang nakapatay sa ilang mga kaibigan ko at kakilala ay mga elemento ng militar…
4.) Paghahari - harian
*********************************************************************************
sa video
sila daw ay nagsasagawa ng payapang Education and Awareness program… pagpapakilala daw nga ng kalaban ng sambayanan namimigay ang ilan sa labas ng mga comic strip na nagpapakitang ang grupong LFS ay recruiter ng NPA… (Dalawang babae na man kinakausap na isa pa ang nasa larawan) isa itong porma ng paratang na walang batayan… ang membership kasi ng NPA ayon sa aking pagreresearch ay isang taong nasa wastong gulang na nagnanais magtanggol ng kapwa na pinagsasamantalahan sa armadong pamamaraan ay maaaring maging miyembro ng NPA… hindi kailangang LFS ka o kung ano pa man…
Hindi naman sila ginulo ng nasabing grupo nag - iwan lang ito ng isang hamon — makipagdayalogo sa harap ng mga istudyante ng PUP sa popeye na tinanggihan ng CMO battalion na naglulungsad ng nasabing forum…. sa aking tingin ang hamon ng mga nasabing istudyante na maglunsad ng dayalogo sa loob ng campus na tinanggihan ng militar ay makatwiran dahil ang mga sinasabi ng military ang mga istudyante ng PUP na nanduon ay mga nirerecruit ng NPA (isang walang batayang paratang) na nanggugulo lang.
On Going parin yata ang nasabing hamon??? bakit kaya hanggang ngayon wala parin… naghihintay lang naman ang mga aktibista na pasukin nila ang campus…huwag na nating isipin ang nasabing batas sa una… dahil ang mga military intelligence agents ay patuloy parin sa paniniktik sa loob mismo ng aming campus…
~~~~iwang mensahe lang pansariling pananaw ko~~~~
ang sandatang hawak ay magkaiba ang NPA ay may hawak na baril ang mga Organisasyon sa School ay flags, boses at edukasyon ang tangan - may pagkakapareho - lumalaban para ituwid ang matagal ng baluktot na sistema ng ating lipunan kahit alin sa kanila ay hindi ako magdadalawang isip na samahan sa pagharap ng krisis na parepareho nating hinaharap at nilalabanan sa ngayon… at kahit ang pandarahas ng military ay hinding hindi magiging sagabal
From Youth Act Now’s pamphlet for December 12:
BAKIT AYAW NG KABATAAN SA CHARTER CHANGE NI ARROYO?
1. Ang Charter Change ay isang taktika ni Gloria Macapagal-Arroyo para makapanatili sa pwesto lagpas pa sa 2010.
Anupamang dahilan at palusot, hindi maiaalis ang motibong “term extension” sa cha-cha. Batid ng kabataan at ng mamamayan, at maging ng mga kasampakat ni Arroyo, na tanging ang cha-cha ang nalalabing ‘ligal’ na paraan para matakasan ni Arroyo ang pananagutan sa mamamayan matapos ang termino niya sa 2010. Isinasapilit ni Arroyo, kanyang mga anak sa Kongreso, at kanyang mga kaalyado ang cha-cha dahil tiyak ang samu’t saring mga kaso ng mga di-resolbadong anomalya, korapsyon, pandaraya at paglabag sa karapatang tao ang nakaamba nilang harapin malaong wala na sila sa pwesto pagsapit ng 2010.
2. Ang Cha-Cha ay maaaring gamitin para muling ipatupad ang Batas Militar.
- Tatanggalin ang 60-day limit sa pagdeklara ng batas militar at suspension ng writ of habeas corpus.
- Mawawalan ng kapangyarihan ang Kongreso na bawiin ang proklamasyon ng batas militar o suspensyon ng writ of habeas corpus.
- Mawawalan na rin ng kapangyarihan ang Korte Suprema na i-rebyu ang mga batayan ng pagdeklara ng batas militar.
- Palalabnawin ang mga kasalukuyang pamantayan ng pagdeklara ng batas militar ayon sa nakasaad sa Konstitusyon. Magiging mas bulnerable ito sa pagsasamantala ng mga makapangyarihan.
-Buburahin ang ilang mga makabuluhang probisyon sa Konstitusyon hinggil sa karapatang-tao at sa Bill of Rights.
3. Palalalain ng Cha-Cha ang matinding krisis sa ekonomiya at kabuhayan.
- Ibubukas ng cha-cha ang pambansang patrimonya at ekonomiya sa ibayo pang dayuhang pagsasamantala at pag-aari. Ayon sa probisyon sa cha-cha hinggil sa ekonomiya, hindi na 60-40 porsyento ang hatian para sa dayuhang pag-aari sa mga batayang industriya at serbisyo kundi papayagan na hanggang 100 porsyento.
- Papayagan ang mga dayuhang entidad na magmay-ari maging ng mga lupang residensyal, komersyal, at industriyal.
- Papayagan ang mga dayuhang entidad na malayang gamitin at lapastanganin ang mga likas-yaman ng bansa.
- Papayagan din ang mga dayuhang entidad na kontrolin at pagmay-arian ang mga pampublikong utilidad at serbisyon tulad ng tubig, kuryente, at telecommunications.
4. Palalalain ng Charter Change ang kolonyal, korap, at komresyal na katangian ng ating kultura, edukasyon at mass media sa pamamagitan ng pagpayag sa tuwirang dayuhang pag-aari sa kontrol sa mass media, mga eskwelahan at advertising firms.
- Tatanggalin ang probisyong nagtitiyak na prayoridad ng gobyerno ang edukasyon, sining, agham at teknolohiya.
- Tatanggalin ang probisyong kinikilala ng gobyerno ang papel ng kabataan sa pagbubuo ng matatag na bansa
- Tatanggalin ang probisyong nag-aatas sa mga eskwelahan na ituro ang nasyonalismo, pagkilala sa pambansang bayani at karapatang-tao
- Malayang makakapasok ang mga banyagang eskwelahan at papayagan ang 100% dayuhang pagmamay-ari sa mga edukasyunal na institusyon at pamantasan.
- Idadagdag ang salitang ‘responsable’ sa karapatan sa malayang pamamahayag at malayang asembliya sa Bill of Rights.
5. Papayagan ang higit na dayuhang pakikialam at pananamantala sa pamamagitan ng pagpayag sa mga makaisang-panig na mga tratado
- Bibigyang-daan ang panunumbalik ng mga dayuhang base militar sa bansa.
- Tatanggalin ang mga limitasyon at restriksyon sa pagpasok ng mga tropang dayuhan at kanilang mga pasilidad.
- Mas mapapadali ang pagratipika sa mga makaisang-panig na tratado at internasyunal na mga kasunduang para lamang sa interes ng mga dayuhan.
ano sa iyong palagay ang maaaring mangyari kung walang aktibista (nationalist democratic ha)???
palagayan lang pakikomento ng iyong palagay
ate,
hindi ako lalayo ng dahil sa hiling ng aking mga magulang na umiwas sa gulo at kapahamakang maaaring maidulot ng pagrarally kasabay ng panghihikayat na pumasok nalang sa ilang mga negosyong tiyak na makakapagpaunlad sa akin. matagal ko ng tinanggap na ang ating mundo ay walang katahimikan hanggat patuloy na dinarahas at pinagsasamantalahan ang malawak na masang inaapi hindi na ako natatakot sa pinaka matinding pandarahas kahit sa aking kamatayan matagal narin akong ina-alok ng pera walang halaga ang sayang dulot ng pagsisilbi sa sambayanan.
hindi naman ako sa pagkilos lalayo - sa ilang mga tao lang… tumutupad parin ako sa ating mga napag-usapan… dito sa pakikibakang ito lang kita hihintayin kung ikaw ay babalik at kung tayo’y magtatagpo sa puso ng pag - ibig maluwat ko itong yayakapin.
minsan kasi kailangan munang lumayo para matuklasan ang kahalagahan ng ilang mga bagay
mahal na mahal kita at palagi mong baunin ang pag iingat.
nagmamahal,
bunsong leklek