"THE LEFT DID NOT CREATE THE TROUBLES OF THE WORLD, THE TROUBLES OF THE WORLD CREATES THE LEFT!"

"COGITO ERGO SUUM"

"I THINK THEREFORE I AM"

Home » Archives » February 2010

babalik ako

Wednesday, February 10, 2010

babalik ako hindi dahil kailangan ako

kundi dahil ang pagsulong ng pakikibaka ng

sambayanan ay matutuloy kahit wala ako

pero mas mainam dahil mulat ako sa krisis at solusyon dito

ay kumilos na rin para sa pagbabago…

tungo sa malayang lipunan para sa susunod na anak ng bayan!

Posted by dalawangmandirigma at 11:02 am | permalink | Add comment

kase daily 2/10/10 002

nagkakamali, napupuna, ang mahalaga nagwawasto!

Posted by dalawangmandirigma at 11:00 am | permalink | Add comment

Kase Daily 2/10/10

Nagbabago ang lahat

umuunlad, pero ang tanong gaano kaunlad

at paano umunlad,

pero ang mas mahalaga nasa tamang side ng pag unlad —-

anong tinutukoy ko?

ang umunlad sa pagsisilbi sa malawak na sambayanan

hindi para sa sariling interes lamang

Posted by dalawangmandirigma at 10:55 am | permalink | comments[1]

Rebelde ka

Monday, February 8, 2010

bagong depinisyon ng pagiging rebelde

sa diksyonaryo ng rehimeng US-Arroyo at ng mga alipores nila

Kapag ang mag aaral ay nanawagang huwag itaas ang tuition fee, maayos na pasilidad, klassroom, libro, de-kalidad na edukasyon, makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon

Rebelde sya

kapag ang manggagawa ay nanawagan ng itaas ang sweldo, maayos at ligtas na lugar pag-gawa, tamang oras sa pag- gawa, benepisyo, kasiguruhan sa hanap buhay

rebelde sya

kapag ang magsasaka ay nanawagan ng reporma sa lupa, murang tubo sa mga pautang na pataba at binhi, irigasyon, nga gamit pangsaka

rebelde sya

kapag ang mga guro ay nanawagan na ibigay na ang suweldo nila at allowances na matagal ng naiipit sa iba’t ibang dahilan, na hindi na sila gamitin sa pandaraya tuwing eleksyon

rebelde sya

kapag ang mga manggagamot ay naglingkod sa kanayunan, nanggamot ng mga walang pang bayad, nanawagan ng budget para sa kalusugan ng sambayanan

rebelde sya

 

maaaring magdagdag paki komento nalang para po maisulat salamat….

Posted by dalawangmandirigma at 9:13 am | permalink | Add comment

ISANG ARAW

linggo at walang magawa, kagagaling ko lang kasi sa byahe mula sa aming probinsya. Noong sabado ay reunion ng aming angkang malapit at malayo ng kamag - anakan. ang totoo hindi ko na rin kilala kung sinu - sinong nandoon. ngiti dito ngiti doon… parang hindi sila iba pero parang iba… ang nakakatuwa.. hindi ko nakita ang ilan sa kanila bilang kamag anakan kundi bilang balang araw ay kasama…

Posted by dalawangmandirigma at 9:07 am | permalink | Add comment