"THE LEFT DID NOT CREATE THE TROUBLES OF THE WORLD, THE TROUBLES OF THE WORLD CREATES THE LEFT!"

"COGITO ERGO SUUM"

"I THINK THEREFORE I AM"

Home » Archives » August 2010

palagay ko lang naman

Wednesday, August 4, 2010

hindi naman hinihingi ang amin lang mabilis na ilabas sa Merkado upang kagyat na mapakinabangan ang pwede pang pakinabangan kaysa mabulok at gawing pagkain ng baboy… sa totoo lang hindi tayo nag import ng bigas para ipakain sa Baboy diba kundi sa malawak na masang humaharap sa krisis ng lalong tumataas na presyo ng bigas dahil daw sa kakulangan ng supply…hinayaan na ngang mabulok sa warehouse, bakit hindi hayaang mapakinabangan pa ang mapapakinabangan - ang palit trabaho kasing sinasabi ay kakain ng matagal na panahon at maaaring ang mga bigas na sana’y mapapakinabangan pa ay hindi na mapakinabangan pa…  mas mainam kung ang gagawin ay ilabas ito at ibenta na ngayon, kung gusto nilang magpatrabaho ng mga sweepers at tagalinis ng estero (na hindi naman talaga trabaho) bakit in the first place nawala ang mga police oyster dahil ba ito ay proyekto ni Gloria at ayaw lang masabing itinutuloy nila ang nasabing proyekto e sa suma total parang ganun din ang kanilang pinupunto - pinapatunayan  lang talaga nila na hindi totoo ang ilusyong pagbabago sa pagbabago lang ng muka ng namumuno - at ang lumalakad sa tuwid na daan ay lasing! @mP^+@ 

Posted by dalawangmandirigma at 2:24 pm | permalink | comments[1]

Ipagtanggol ang PUP 3!

Mariing kinukundena ng SAMASA Alliance ang ginagawang panggigipit at pagsikil sa karapatan ng tatlong lider-estudyante ng administrayon ni PUP President Dr. Dante Guevarra. Kamakailan lamang, nakasuhan ng Malicious Mischief at may ibababa ng warrant of arrest kina Cheysser Soriano, tagapangulo ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral, Abriel Mansilungan, dating tagapangulo ng Kabataan Partylist-PUP chapter at si Elvin Rillo, tagapagsalita ng League of Filipino Students-PUP o tinaguriang PUP 3.

Ang PUP 3 ay ilan sa mga lider-estudyante na nanguna sa pagtatanggol upang manatiling P12 kada yunit ang binabayarang matrikula dito sa PUP. Sila ang naging mukha ng mga Iskolar ng Bayan na umaayaw sa maitim na binabalak ng administrasyong Guevarra na pagpapatupad ng mas marami pang anti-estudyanteng polisiya.

Kung matatandaan, umabot sa pagbabato at pagsusunog ng mga sira-sirang pasilidad ang protestang ito upang matagumpay na mapigilan ang pagiging P200 kada yunit o halos 2000% na pagtataas. Ngunit hindi ito natapos ang laban natin. Mismong si Chief of Security Office Leonardo Coquilla ang nagsampa ng kaso sa MPD. Dinahilan ng pamunuan ng PUP na dapat na mayroong managot sa mga sinunog na upuan na nagkakahalaga umano ng kalahating milyong piso.

Hindi ito ang unang beses na nagsampa ang administrayong Guevarra ng criminal case sa mga lider-estudyante. Ang kasalukuyang PUP 3 ay nagmula sa orihinal na PUP 9 na may kasong malicious mischief. Dahil walang sapat na ebidensya na magtuturo sa anim pang kinasuhan, inabswelto ang mga ito. Sa kasagsagan din ng kampanya laban sa TOFI, limang lider-estudyante o PUP 5 ang sapilitang inaresto at kinasuhan ng robbery dahil umano sa paglalabas ng mga sirang pasilidad na dapat sana ay dadalhin sa CHED. Iniurong ang naturang kaso matapos ang limang araw na pananatili ng PUP 5 sa MPD. Isang malaking kabalintunaan na ang pangunahing dapat mangalaga sa kapakanan ng mga Iskolar ng Bayan ang syang naging complainant ng naturang kaso, si Dr. Guevarra.

Nitong nakaraang ika-31 ng Hulyo ay nagdiwang ng ika-65 taong gulang si Dr. Guevarra ay nakipag-usap ang PUP 3 na pirmahan nito ang Affidavit of Desistance na nagsasaad na iuurong nito ang kaso sa tatlo. Ngunit tanging sinagot lamang nito ay hindi nya iuurong ang kaso at wala syang pakialam kung dapkin man ang tatlo sa loob ng ating pamantasan. Maging ang kustodiya na hinihingi ng tatlo sa kanya bilang tumatayong pangalawang ama natin, ay ayaw nyang tanggapin.

Sa ganitong inaakto ng PUP President, malayong-malayo ito sa “outstanding” performance na dapat gawin ng tagapangulo ng ating unibersidad upang mag-extend ang kanyang termino. Walang maaasahan si Dr. Guevarra na papabor ang hanay ng mga estudyante sa pagpapahaba ng kanyang termino.

Malinaw na ang nagtatanggol ng karapatan ng mga Iskolar ng Bayan ay hinahatulan na lamang na katulad ng isang guilty na kriminal.

Katulad ng binanggit ni Soriano noon, kung ang pagsisilbi sa mga Iskolar ng Bayan, tunay na guilty ang tatlo.

Sa kabila ng pakikipaglaban para sa mataas ng badyet sa edukasyon, pilit itong tinatapalan ng pasismo sa porma ng sistematikong panggigipit at pagsikil sa karapatan ng kapwa natin Iskolar ng Bayan, ganito ang nagiging tugon ng administrasyong Guevarra at ginagawa nya ito hindi lamang para supilin ang mga lider-estudyante, maging ang bawat Iskolar ng Bayan na patuloy na nakikipaglaban para sa mataas na badyet sa edukasyon.

PUPian, Makiisa at manindigan upang ipagtanggol ang PUP 3!

DEFEND OUR STUDENT LEADERS!
DEFEND PUP 3!

-SAMASA ALLIANCE-PUP
-League of Filipino Students
-Anakbayan
-Student Christian Movement
-Center for Nationalist Studies
-Kamanyang Artist Collective
-KABATAAN PARTYLIST

Posted by dalawangmandirigma at 2:08 pm | permalink | Add comment

Mandatory ROTC will mean more campus repression, military abuses against the youth – Anakbayan

“ROTC: salot sa kabataan! Tutulan at labanan!”

This was the call of youth group Anakbayan as it expressed its outrage today over a proposal to make ROTC (Reserve Officers Training Corps) mandatory again for college and university students.

The ROTC was abolished in 2001 by nationwide youth protests after the death of University of Sto. Tomas and ROTC cadet Mark Chua from alleged hazing in the program.

“With the resurgence of campus protests against tuition and other fee increases, as well as other unjust policies by school administrations, we fear that the mandatory ROTC will be used as a weapon against students who are fighting for their rights” said Anakbayan national vice-chairperson Anton Dulce.

In the University of the Philippines campus in Diliman last 2006, suspected ROTC officers and SIN members distributed pamphlets which discouraged students from opposing the then-proposed 300% Tuition Fee Increase, accusing the leaders of the anti-fee increase protests as ‘recruiters for the New People’s Army’.

The same thing was done in the Polytechnic University of the Philippines’ Sta. Mesa campus in 2007. Student leaders who were active in opposing several administration policies, including the chairperson of the PUP Central Student Council, were portrayed as ‘NPA recruiters’ by crudely-written pamphlets distributed by ROTC officers and SIN agents.

In the UP Los Baños, pamphlets with similar content were distributed in the campus last July 29, hours after UPLB students walked out of their classes in protest against the UPLB administration’s policy of increasing the number of students per class in many subjects.

“An institution whose hands are stained with the blood of many youths shouldn’t even be allowed fifty meters near any campus. Haven’t they done enough with the killing and kidnapping of many of our fellow youth leaders?” added Dulce.

According to human rights group Karapatan, out of the 1,100+ cases of extra-judicial killings carried out by the military under Gloria Arroyo, 23 come from youth groups like Anakbayan, the League of Filipino Students, and Kabataan Partylist. Three members of Anakbayan are also included in the 300+ cases of enforced disappearances under Arroyo.

The youth leader meanwhile twitted the military for its ‘sales pitch’ for the mandatory ROTC, calling it ‘a hard sell which fools no one’.

“The military’s perverted primitive and barbaric ideology has lost all its appeal to the youth. This is the only way they can get anyone to listen to them: by forcing people to do so” he said.

Posted by dalawangmandirigma at 1:51 pm | permalink | comments[1]