Part 1
Pasasalamat
Gusto kong pasalamatan ang mga sumusunod,
Si papa God sa kanyang mga kakaibang paraan ng pag-spunk.
Si Rev Father Brandong Taga para sa kanyang mga words of twistdom.
Si Lea ang soul sister ko na di namin din maintindihan bakit kami close kahit di naman talaga laging magkasama
Sa mga matyagang kaibigan na hindi ko alam kung papa-anung nakapag tyatyaga…
Sa totoo lang ang dami kong gustong pasalamatan kaya lang kung ang librong ito ay puro pasasalamat malamang di mo ito basahin.
Siryoso,
Tam Ling
Pero kung siryoso ako, tyagain mo kayang basahin to?
Bibili ka ba kung ang pangalan ng tindahan ay?
DINA Fresh Chicken
Nila at Sonia Vegetables (tunog nilason)
Double D Meat Shop (Double dead)
FMD Pork (best cuts you can get nay Foot ang Mouth Disease)
(Hanapin nyo nalang kung saan kung interesado)
Sa tantya ko malamang sa malamang na hindi, at ang mga pahina nito malamang sa kiluhan ang bagsak. Kawawa naman ang mga puno kung gayon, biktima ng pagiging non sense, ng pagpupumilit maging writer. Parang yung libro ko noon sa Accounting, frustrated writer ata ang Prof ko kaya naisipang isulat. Ang masakit nung hindi mabili sa bookstore, inirequire kami na bilhin ang librong kahit sinong bumasa tiyak di matututo sa accounting pano puro question walang explain - explain, self study pa rin ang bagsak mo. E pano naman ang tamad mag study na
Biruan nga namin para hindi ikasama ng loob ang nawalang ilang oras na pang DOTA , isipin mo nalang naglalakad ka sa kahabaan ng makipot na eskinita, sabay – sabay tayong lahat otsenta (iba pa yung ibang klase) nang biglang may isang matinik na holdaper ang humold up sa atin tag six hundred ang natangay 3 gives pa! Atleast 3 gives hindi masakit sa bulsa, di biglaan. Parang tuwang tuwa sa pagpapahold up, at binabalikbalikan ang eskinita. Pero kahit anong isipin tila dito lang yun nangyayari, pero anong malay ko malamang marami pang – iba.
Hindi lang naman sya ang holdaper at malamang nahoholdap din sya.
Halimbawa, nagtratrabaho sya maghapon, pero limos lang ang bayad sa kanyang propesyon. Baka bumabawi lang sa’min hinoldap din kasi sya.
Na alala ko tuloy bigla, hindi lang pala kami ngayon lang naholdap, simula pa nung una, nagsimula sa kantina na lahat ay dapat bumili ng sopas at sandwich para maubos ang paninda, longganisa pag sasabit sabit sa pasang awa ang iyong marka, nakagawian na. Iba pang tema ang film showing, iba rin ang santa Cruzan sa barangay nila na syempre bebentahan ka ng tiket kapalit ng dagdag sa grado. Dito palang natututo na kaming magdagdag bawas. Pag bumili ng ticket para mo na ring binili ang dagdag sa mga puntos mong mag aahon sa iyo mula sa lalambi lambitin sa pagka pasang awa.
Naisip ko ring parehong nakakatakot ang pulang tinta ng bolpeng pang marka, at dugong sisirit kung masasaksak ka ng punyal na nakatutok sa tagiliran. Parehong sa mabahong estero ka pupulitin ang pinagkaiba lang kung hindi ka dadamputing lumulutang na bangkay, dadamputin kang patapon ang buhay.
Magkabilaan ang sitwasyong ito. Pero kahit saan parang palagi kang talo.
Masakit rin naman sa kanila, pareho ng sakit ng aking bulsa. Ang totoo, ayaw rin naman nila ng perwisyo. kaya nga lang ay, tila ganito talaga ang buhay, namemerwisyo ka at pineperwisyo.
Ano ang katinuan kung kumakalam ang sikmura?
Marangal na pag puputa, pareho ng maraming nag puputa sa buong mundo. Sabi ng titser ko kung may iba lang raw na trabaho ay hindi pagtuturo ang pinasok nya. Mas marangal pa raw magpa – alila sa ibang bansa, may pera pa. Dito di marangal maging guro, kailangan mong mag puta ng trabaho, pagsamantalahan ang mga walang muwang na nais sanang matuto.
Kailangan lang talaga.
Tinuturuan ang bawat isang maging Hudas sa daigdig ni Hudas.
Naalala ko eleksyon nung nakaraang taon, nadisgrasya si ma’am pero hanggang ngayon wala pa ang bayad sa kanyang serbisyo, kasabay ng anim na buwan nyang suweldo. Isinugal, kinikbak, inipit para sa halalan, hanggang ngayon di pa nababayaran.
Bagay na bagay ang kantang tumutugtog sa malaking ispiker sa likuran.
Titser genius ka kaya?
Bukod sa lesson plan may tesis pang ginagawa.
Lagari sa tahanan, kayod sa eskwela;
Wonder Woman ka ngunit wala namang laya.
Titser ito ba’y himala?
Sa kay raming campus lagi kang nakikita;
nalilibot ang u-belt sa buong umaga;
Ito’y di hiwaga nagmo-moonlight ka lang pala.
Titser, iyan nga ba’y tama?
Kakaunti ang kita at may take-home work ka pa.
Sa hirap ng buhay, ika’y part-time na tindera
ng mga PX goods, panty, bra, longganisa.
Titser gumising na tayo.
Tayo’y ginawang tagabura ng boto.
Tagabenta ng ticket, tagahalo ng kalburo,
Nagsayaw pa sa airport ng wala namang sweldo.
Titser, kumilos na tayo
Ang edukasyon ay hindi gawang biro
Huwag nang magpaloko at magsawalang-kibo
Tayo’y kalahok sa pambansang pagbabago.
Teka lang nasa sidewalk si Madre superyora, nakita ako at tiyak lagot nanaman ako. Kung krimen lang ang mahuli nya sa kung anu anong kasalanan, tiyak bitay ang hatol sakin. Nakalimutan kong naka pristisyosong uniporme pala ako ng mga santo para makipag kwentuhan sa gitna ng mga nagproprotestang mga guro at ng mga gigil na gigil na mamalong pulis.
Parang sirena ng bombero ang boses ni Madre Superyora sa pagtawag sa akin. Kahit si ma’am nagitla sandali. Sa iskwela kilala siyang terror at talagang nakakatakot kaya nga ang kilalang bansag sa kanya ay Mother of all Horror. Hindi ko rin alam, hindi naman ako ni minsan natakot sa kanya, alam na alam kong lusutan ang init ng ulo nya. Konting karinyo, konting paawa. Pero sa itsura nya mukang di uubra ngayon.
Napagalitan ako, pero di nagtagal sabi ko’y pauwi na ako, at binati lang ang dating guro sa dating iskwelang pinapasukan. Huminahon syang bahagya, at pumasok sa mala enchanted kingdom na gate.
May ihawan sa kanto, sabi ko kay Ma’am iintayin ko sya roon. Mag - aalas 3 na ng matapos sila. Nagkagitgitan, nagkapaluan, tinamaan si Ma’am tanaw na tanaw ko. Sandamakmak na Putang ina nyong lahat lang ang nasabi ko, paulit ulit, hanggang nabibingi na rin ako sa sarili ko. Duguan si Ma’am, kagaya ng iba pang kasamahan. May mga sumosoportang istudyante rin ang tinamaan.
Nasira ang balat kong sapatos sa pagtakbo para hatakin si Ma’am papalayo ng kaunti, mula sa pagkakahandusay sa kalsada.
Habang ginagamot tuloy pa rin si Ma’am, at lalo akong humahanga, kahit ang sariling bukol mula sa yantok na nabali, patunay na matigas ang ulo ko ay di ko na napuna hanggang makauwi ng bahay.
Mahusay at matyagang magturo si Ma’am, naalala ko ang kaiskwelang dayo mula sa tribo nila sa bahaging bisaya. Hirap managalog si Celso, pero tinatyaga ni Ma’am kahit alang bayad. Sabi nya nung minsang maitanong ko kung bakit, kapag natuto raw si Celso ituturo nya iyon sa mga katribo. Ganun daw ang ugali ng mga taga tribo hindi nagkakait sa katribo. Iba daw ang labanan dito sa Maynila, Dog eats dog kung baga.
Nagtaasan na ang mga bilihin, pamasahe at iba pa. kahit anong tumaas, lahat damay damay.
Ispiking of Bato, dalawang klaseng bato ang binebenta sa labas ng paaralan, yung batong hinihithit at yung batong inaalis, syempre para ilipat sa iba. Bebenta mo yung batong inaalis para makabili ng batong hinihithit. Hindi mo naman pwedeng ipampukol ang batong hinihithit… pulbos kasi yun.. di masasaktan ang tatamaan. Baka matuwa pa sayo at kikita sya sa tyangge.
Naibenta na pala ng maraming tambay sa kanto mula dito hanggang tondo ang isa nilang bato. Mahal ang bentahan mula otsenta hanggang dalawang daan depende sa nangangailangan, para sa iba’t ibang pangangailangan.
Si Ma’am may sakit sa bato. Six months na syang alang sweldo. Paanong pang dayalisis nya? Marami pang ibang gastos. Takot ako sa karayom pero willing mag donate ng dugo.
Pero sa tingin ko di ako papasa, bawal daw kasi ang may sugat. Madalas akong masugatan, sangkaterba kasi ang mga usli usling kung anu ano sa ding ding ng classroom. Pero swerte pa raw kami, kasi may classroom. Yung iba wala, dun lang sa ground tumuturo sa katabing eskwelahan.
kaninang umaga may nahuling gumagamit ng pekeng pera. bumili sa tindahan ni aling Baby. Isang libo. malas nya, si Mang Toto ang bantay, basta pera di yun nagugulangan. Kabisado ang amoy kahit ng singkong duling.
Mahirap nga namang gulangan ang magulang na. Parang makinang pang check ng pekeng pera ang mata, sing linaw ng mineral water kahit walang salamin, ang diperensya kasi ng mineral water sa tubig gripo malayo, yung sa gripo swerte na ang walang kiti kiting lalangoy langoy. Ganyan si Mang Toto basta pera ang pinag - uusapan.
sabi ni manong Boy yung kainuman nya kahit lasing mahigpit ang tangan ni mang Toto sa pera. pano, yung asawa nya ubod ng bungangera.
tiyak uulanin sya ng putang ina.
kung sabagay nga naman buti buting di marinig ang boses ni manang Baby.
Ang Mama nga pala hindi na makilala, binugbog ng mga taga sa amin. Dito sa amin, okey l;ang ang tarantado, okey lang rin ang gago, wag lang pahuhuli at tiyak mapipitsara ka at manghihiram ng muka sa aso.